Showing posts with label thesis. Show all posts
Showing posts with label thesis. Show all posts

Wednesday 7 September 2011

Commercials: Thesis and Short Film

1. Grabe lang, kanina sa Speech 199 na-realize ko na syet! 1 month na lang tapos ko na ang thesis proposal! Omaygash. Nag-reminisce kami ni classmate na dati nung first few weeks todo angal pa kami na 5 abstracts ang kailangan i-submit per week. Habang sa ibang 199 class wala pa silang ginagawa, kami ngarag na ngarag na. Oh well, it definitely paid off kasi ngayong RRL copy paste copy paste na lang kami. Hayyy... I still can't believe na kaya ko magsulat ng something intellectual (actually ng kahit ano eh) na more than 50 pages. Watdafak. Hindi ko natapos yung term paper ko sa Socio 101 and yung creative story ko sa Fil 20 tapos heto ako ngayon, payapang sinasagwan ang malalim na dagat ng thesis, patungo sa dalampasigan ng graduation (poetic naks!).


2. Pag-uwi sa boarding house, naisipan namin ni Keysi na gumawa ng super duper short film. Even a less than 1 minute film. Masabi lang. Matagal na naming pinag-uusapan ang mga ganitong bagay pero kanina syet, it feels so concrete we're sure it will materialize. Sobrang buo na yung concept sa isip namin and we're really really REALLYYYY excited to do it. Wala lang kaming cam so baka next week pa. Sana andito pa din yung well of creativity and emotion and passion next week. :)